Southern Girl

I,
like a flickering
light.

BiD Competition

We joined a nationwide competition last November and fortunately we were able to bag the cash prize last night. A number of investors approached and told us that they really want to invest in our social enterprise. Yay!!  Btw, all of the proceeds will go to our partner community in Puncan, Caranglan Nueva Ecija. Sir Roy at ang KAPUNCAN, sa wakas, panalo na tayo.

Indeed, all of our hard work, sleepless nights were worth it. Thank you to our very patient professor who from the very started believed in our group when no one else did (remembered Abi’s speech), to our parents and friends who supported us throughout the entire year and everybody who bought our fruit-infused carabao’s milk. Salamat sa inyong lahat. Hindi niyo lang alam kung gaano kahalaga ito sa amin lalong-lalo na sa komunidad ng Puncan.

Sa pagtatayo ng isang social enteprise kasama ang Dairy Godmothers, natutunan kong ang buhay ay hindi lamang umiikot sa salapi at mga materyal na bagay. Ang buhay ay mas nagiging makubuluhan sa tuwing naibabahagi mo ang iyong oras at kaalaman sa iba, lalong-lalo na sa mga nangangailangan. Patunay na ang karanasan ko noong nakaraang taon ay nakapaghubog sa akin na mas maging mapagkumbaba at tumuon sa iba kaysa sa sarili. Masasabi ko nang naiintindihan ko na rin ang ibig sabihin ng pagiging “Man for Others.” Naalala ko tuloy, noong graduation day namin, nagsalita ang aming Valedictorian. Sa kanyang speech, isinama niya ang kuwento ng Dairy Godmothers at ang Haw Blends. Ikinuwento niya kung gaano kahalaga ang pagtulong sa mahihirap/nangangailangan lalo na sa sitwasyon ngayon ng Pilipinas, kung saan walang tigil na lumalaki ang agwat ng mayayaman sa mahihirap. Sa kabuuan, binigyan diin at pinahalagahan niya ang pagiging “Man for Others” kahit na aalis na kami sa aming paaralan.

Salamat Mr. Valedictorian. Salamat ng marami. Nakalimutan ka namin pasalamatan…

Being so emotional right now. Actually, ang tagal kong nakatigil pagkatapos nung “…” kasi ang dami kong naalala mula noong 2011 at kagabi. Hahaha. Nakakaiyak talaga nung tinawag kami sa entablado. Hindi kami makapaniwala na nanalo kami. Masarap sa pakiramdam lalo na kapag alam mong pinaghirapan mo, na marami kang sinakripisyo para dito. Salamat muli sa mga naniniwala sa aming grupo. Ito na ata yung bahagi ng blog entry o parang sa speech na sasabihin mo na “i’m so speechless” kasi wala ka na talagang masabi. 

Oo nga pala!! Watch out for  our social enterprise/story in Inquirer and Malaya Business Insight within the week or next week. :)

Welcome back, Ateneans (Travelling Across Ateneo)

Nakakamiss ang Ateneo.

(Source: patiss, via tsokolatengtunaw)

Anonymous asked: Naramdaman mo na ba yung gustong gusto mong makuha yung isa bagay na alam mong hindi mo kaya makuha?

Oo naman. Ilang beses na. At sinubukan ko na rin abutin yung mga yon, pero hindi lang talaga ako nagtatagumpay o hindi lang nakalaan para sa kin. Pero okay pa naman ako. Hahaha. Buhay pa ko hanggang ngayon.

Ilang daang pagtatagpo
ang nakalimutan ng panahon.
Hanggang ngayon

sa ating pagkikita
hindi pa rin ako naniniwala
ikaw na nawala

ang nanatiling may hawak sa aking salita.

-Abuel, L. 

Dahil naiiyak kami/ako (dinamay ko pa si Lester, pero ako lang talaga naiiyak) kapag napapanood ang Wicker Park, lalo na ang ending scene. :( Ang galing lang naman ni Lester magsulat ng tula. Sana ako din. Akala ko dati ang galing ko na magsulat ng tula. Hindi pala. Hindi siya pasok sa standards ng Heights. </3 :(

Tales From the Friend Zone

Hango daw ‘to sa totoong kuwento batay sa mga unang segundo ng video. Sobrang nakakatawa kahit kailan si Ramon Bautista. Nagalingan ako sa ginamit nilang “marketing strategy” kasi nakuha nila halos lahat ng atensyon ng tao. Ang galing ng nag-isip at nagsulat. May isa lang akong napansin. Pinapadala ba talaga ang bag ng babae sa lalaki? Siguro okay lang kung mabigat. Pero pinapadala ba talaga siya? Parang hindi lang maganda tignan kapag may pambabaeng bag na hawak ang isang lalaki. O ako lang yon? Hmmmm. :-?

Balita ko may audition daw to? Seryoso ba to??? Marlo Acosta, it’s your/our time to shine. Hahaha. Ang sarap sigurong makatrabaho si Ramon Bautista. Kapag gumaling talaga ako sa pagsusulat (jaz like Lourd de Veyra <3), magpapasa talaga ako ng mga sinulat ko/isusulat ko. Gusto kong sumubok ng maraming bagay na off-camera roles: directing, editing, script writing etc. Ang galing mo lang kung ikaw yung nakaisip ng isang konsepto na hindi pa nakikita/nababasa/naririnig ng mga tao. jaflsdfjlasjkdakjdkl Gusto ko na maging magaling na writer. Yes naman! Hahahaha. Dati gusto ko lang maging writer. Ngayon, MAGALING na writer na. Hahaha. Naniwala naman ako kay Pao (editor) nang sabihin niya to: “lahat yun uuwi sa pagiging writer, e writer ka na.” 

Oo. Naniwala ako at patuloy na naniniwala. Kulang na lang ipatattoo ko yung sinabi mo. Haha. Ay. Salamat nga pala sa mga nag-iiwan ng message dito at sa facebook, nagttweet dahil nagustuhan nila yung sinulat ko sa SF. Nakakatuwa pa rin na hanggang ngayon may nagbabasa non. Hindi ko lang maisip kung hanggang saan umaabot ang mga kopya ng SF. Sana isang araw may  isang magaling at sikat na writer na makabasa non, tapos lalait-laitin niya yung sinulat ko hanggang sa mabura sa mundo yung sinulat ko, pero magugustuhan pa rin niya sa huli. :)

Anyway, kung sasabak naman ako sa on-cam, gusto ko indie film na maganda ang script (hahaha tangena arte) at  music video ng paborito kong banda, tipong UDD o Radioactive Sago Project o puwede na rin Urbandub para todo emo skillz ang ipapapamalas ko. Nais ko rin makasama si Lourd de Veyra *fangirling* at si… Petra Mahalimuyak (seryoso ‘to kaya nagpaparinig ako *ubo* sa pinsan niyang si Marlo Acosta na ipakilala na ako sa kanya soon). Kung hindi ito mangyari, kahit autograph/litrato kasama sila/pen na ginamit ni Lourd (please refer to one of my older entries to give you a brief explanation why I want to have a used pen of Lourd de Veyra)  lang sa dalawa, masaya na ko.

Ang dami kong gusto gawin sa buhay. Sana hindi pa ko maaga mamatay.

iralejandro asked: ate isabel (i don't know what to call you) i read your work dun sa Heights, thumbs up! hehe just wanted to tell you someone likes it and hopefully make you smile :-) wee~

Naiyak naman ako sa tuwa. Salamat ng marami! Paki sabi sa friend mo salamat :) <3

Anonymous asked: can i have some of your cookieeeeeeeeees, cake, muffins. they all look gooooooood

Okaaaaayyyyy. Don’t worry, they’re edible! Hahaha. Pero magtatae ka after a few hours. NAT! Hahaha.

Anonymous asked: NAKITA KITA SA SIMBAHAN. TATABIHAN DAPAT KITA PARA PAG OUR FATHER NA MAHAWAKAN KO YUNG KAMAY MO

:|